Matapos ang pagkasunog ng isang barko noong Mayo sa Real, Quezon na ikinasawi ng pitong katao, isa pang cargo vessel ang tumagilid sa pantalan sa lugar.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tatlong truck at isang wing van ang nahulog sa dagat matapos mawalan ng balanse ang LCT Balesin sa pantalan ng Real, Quezon.
Agad ding nagsagawa ng operasyon ang PCG para makuha ang mga sasakyan at produktong nahulong sa tubig.
Ligtas naman ang 25 sakay ng barko na kinabibilangan ng 11 auxiliary workers, siyam na crew, at limang driver.