Pinalawig pa ng global sports retailer na Decathlon ang operasyon nito sa pagbubukas ng isa pang outlet sa SM Fairview sa Quezon City.
Ang nasabing Decathlon store na ika-anim na sa bansa at ikatlong partnership nito sa SM Supermalls ay sumasakop sa mahigit 200 square meters na space kaya’t maayos na makapag-iikot, makapagte-test, makakapili at makakabili ang customers ng mahigit 70 sports products.
Ayon kay Hans Iff, Chief Executive Officer ng Decathlon Philippines, masaya sila sa panibagong milestone ng kanilang partnership sa SM Supermalls, bitbit ang pinakabagong concept store sa isa sa pinaka-abalang mall sa Quezon City.
Sinabi ni Iff na naniniwala silang ang sports bilang malaking factor sa pagiging malusog ng isang tao at ang kanilang misyon na gawing accesible ang sports para sa lahat, malaki ang maitutulong nila para mas marami pang Pilipino ang makadiskubre at buhayin ang kanilang love for sports.
Ipinabatid naman ni Steven Tan, pangulo ng SM Supermalls na nakikita nilang mas pinagtutuunan na ng pansin ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng healthy lifestyle lalo na’t nangingibabaw sa mga panahong ito ang health at wellness.
Kaya nga natutuwa sila aniyang patuloy na nakakaagapay ng SM Supermalls ang Decathlon sa pagpapalakas ng pagmamahal for sports ng mga Pilipino sa pagbubukas ng isa pang branch nito sa SM City Fairview.
Binigyang-diin ni Tan na ang SM ay nagsisilbing lugar kung saan nagsasama-sama ang lahat at nakaka-experience ng mga bagong bagay kaya’t sa misyon nilang i-welcome ang bawat Pilipino sa SM, patuloy rin ang pagsuporta nila sa mga negosyong tulad ng Decathlon upang maging accessible ang sports para sa lahat.
Inihayag naman ni Janella Landayan, Decathlon Fairview store leader, itinayo nila ang kanilang concept store na nasa isip ang bawat Pinoy shopper at hindi lamang limitado sa mabibili nila ang mga produktong nakikita nila mismo sa store kaya’t hinihimok nila ang publiko na i-access din ang decathlon.ph at bumili ng produkto na maaaring pick-up o kaya naman ay ide-deliver sa kanilang mga bahay.
Hindi rin dito aniya tumitigil ang tinagurian nilang Decathlon experience dahil nakatitiyak ang kanilang satisfied customer na maaaring i-test ang kanilang produkto in store at sa pagiging Decathlon member ng libre, maraming perks ang kanilang makukuha tulad ng return and exchange, 2 years warranty sa kanilang mga produkto at access sa Decathlon sports events.
Nabigyan ng award ang Decathlon Fairview ng edge green building certification para tiyaking nakapagpapakita ito ng high environmental performance sa pamamagitan ng water, energy at materials efficiency, dahilan din kaya’t ang Decathlon fairview ang first ever mall store sa buong bansa para makaabot sa level ng environmental certification.
Matapos ding mabigyan ng green certification building ang Decathlon, Masinag store, lumakas pa ang commitment ng kumpanya para gawing sustainable playground para sa sports ang mundo kaya’t hinihimok ang publiko na bisitahin ang www.decathlon.ph at i-follow ito sa facebook at instagram.