Isa na namang empleyado ng Kongreso ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bunga nito, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, umakyat na sa 11 ang mga kawani ng Kamara na tinamaan ng virus.
Sinabi ni Montales na nitong weekend lamang nila nalaman na nagpositibo sa COVID-19 ang nabanggit na empleyado na aniya’y nakatalaga sa Committee on Justice.