Nadagdagan pa ng isang gintong medalya ang Team Philippines kahapon sa 28th Southeast Asian (SEA) Games mula kay Elvie Baldivino na nanalo ng gold sa Women’s Precision Event ng shooting competition na ginaganap sa National Shooting Center.
Tinalo ng 34-gulang na Seawoman First Class at Navy Special Operations Expert na si Baldivino si Norizan Mustafa ng Singapore, 230-228 dagdag sa kanyang silver medal mula sa Women’s Precision Team kasama sina Franchette Shane Quiroz at Carmelita Guillermo.
Samantala, binigyang naman ng pag-asa ng mga boxers ang Philippine Team nang anim na boxers ang pumasok sa finals sa pangunguna ni Josie Gabuco at Mario Fernandez na inaasahang pagmumulan ng maraming gold bukod sa medal-rich na athletics competition na magsisimula na rin.
By Mariboy Ysibido