Natuklasan ng militar ang isa na namang imbakan ng mga armas ng New People’s Army (NPA) matapos ituro ng mga sumukong miyembro nito sa Davao De Oro.
Ayon sa 10th Infantry Division (10ID) ng Phil. Army, sa tulong ng tatlong dating rebelde ay natagpuan ang limang high-powered fire arms sa Barangay New Leyte sa bayan ng Maco.
Ibinunyag ng mga dating opisyal at kasapi ng Guerilla Front (GF) ang kanilang imbakan ng mga armas kasunod na rin ng pagbabalik-loob nila sa pamahalaan noong nakaraang buwan.
Kasabay nito, hinikayat naman ni 10ID Commander Maj. Gen Nolasco Mempin ang iba pang mga rebelde na sumuko na at mamuhay nang mapayapa.
Una nang idineklara ng militar ang Davao De Oro bilang insurgency-free province makaraang malansag ang walong natitirang rebel units na kumikilos sa nasabing lalawigan. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)