Isa pang improvised explosive device ang natagpuan sa barangay Sta Ana Bulakan, Bulacan.
Ang ied ay kahalintulad ng ied na nakita malapit sa u.s. embassy at ng ginamit sa pagpapasabog sa Davao city nuong September 2.
Ayon sa ulat ng pulisya sa Bulacan, nakita ang ied sa barangay kung saan nakatira si Mohammad Jumao-as, isa sa tatlong suspects sa pag iwan ng ied, malapit sa US embassy.
Ang ied na nakita sa Bulacan ay gawa rin umano mula sa 81 mm mortar shell.
Maliban kay Jumao-as, hawak na rin ng PNP ang dalawa pang suspects na sina Imam Rayson Sakdal kilala Alias Rashid at Jiaher Guinar.
By Len Aguirre