Isa pang Indonesian national na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang pinakawalan na.
Ang pinalayang bihag na kinilalang si Herman Bin Manggak ay unang ibinigay sa Moro National Liberation Front (MNLF) at itinurn-over naman sa tropa ng Joint Task Force Sulu kaninang alas-11:00 ng umaga.
Si Manggak ay dinukot ng mga armadong lalaki sa karagatang sakop ng Sandakan Sabah nitong Agosto lamang.
Dinala na ang biktima sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital para sa medical examination at debriefing.
Binigyang diin ng Western Mindanao Command ang nagpapatuloy na matinding opensiba ng tropa ng militar para tuluyang mawasak ang bandidong grupo at mapalaya ang mga bihag nito.
(Details via Jonathan Andal--Patrol 31)