Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP na tutugisin din nila ang isa pang kasama sa tinaguriang “Bigtime Fugitives” ng bansa matapos mahuli ang magkapatid na Joel at Mario reyes sa Thailand.
Ayon kay PNP PIO Police Chief Supt. Wilben Mayor, sisiguruhin nilang hahabulin ng batas si dating Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr. Na suspek sa pagpatay sa kanyang asawa noong 2002.
Ngunit, bukod kay Ecleo, may 2 pang pugante ang pinaghahanap din ng PNP na sina Reynald Lim na kapatid ni Janet Lim-Napoles at gayundin ang suspek sa Dacer-Corbito double murder case na si Cesar Mancao.
Una nang naaresto ang dalawang kasama sa listahan ng “5 Big Time Fugitives” na sina retired Army Major General Jovito Palparan at Globe Asiatique Owner Delfin Lee.
By: Jelbert Perdez | Jonathan Andal