Isa pang kasong kriminal ang inihain ng ilang lider ng kabataan laban kay dating National Youth Commission Chair Ronald Cardema.
Ayon sa youth leaders, material misrepresentation ang ginawa ni Cardema at ng Duterte Youth nang lumahok sila noong eleksyon bilang kinatawan ng kabataan.
Dapat anilang managot ang fake youth party-list sa pagtatangkang gamitin para sa kanilang personal na interest ang pampublikong tanggapan.
Matatandaan na bagamat nakakuha ng sapat na boto para maupo sa kongreso, hindi pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) si Cardema na maupo bilang kinatawan ng Duterte Youth dahil 34-anyos na ito samantalang malinaw sa batas na hanggang 30-anyos lamang ang kinatawan ng youth sector.