Nadagdagan pa ang mga kasong isinampa ng kampo nila dating Vice President Jejomar at dating Makati Mayor Junjun Binay laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ito’y may kaugnayan sa mga alegasyon ng kurapsyon ni Trillanes laban sa dating Bise Presidente nuong ito pa ang nanunungkulang alkalde ng Makati City.
Ayon sa DOJ o Department of Justice, nakitaan nila ng probable cause ang kasong libelo na isinampa laban kay Trillanes makaraang akusahan nito ang mga Binay na nagkamal ng 100 milyong Piso mula sa mga umano’y ghost Senior Citizens.
Una nang naghain din ng kasong kriminal ang kampo ng nakababatang Binay laban sa Senador dahil din sa akusasyon nitong bahagi umano ng sindikato ang pamilya Binay.