Nakatakda umanong magtungo sa Dubai ang ilang miyembro ng team Pacquiao.
Sinasabing pakay ng mga kinatawan ni Senador Manny Pacquiao na makipagpulong sa UAE organizers para sa detalye ng isang fight card.
Kasunod na rin ito nang paglutang ng mga balitang muling tutuntong sa boxing ring sa katapusan ng taong ito si Pacman para sa isang laban na gaganapin sa Dubai.
Sinasabing isa sa mga napipisil na makalaban ng pambansang kamao si British boxer Amir Khan.
—-