Binawian ng buhay ang isang limang taong gulang na batang lalake matapos makuryente sa Culaba, Biliran.
Ayon sa ulat, nagbibisikleta si John Javier Dimalaluan nang bigla itong tumumba at tumama sa isang poste na may nakalaylay na live wire dahilan upang makuryente ang biktima.
Agad na dinala sa pagamutan si Dimalaluan ngunit idineklara nang dead on arrival.
Matatandaang kamakailan lamang isang dalawang taong gulang na bata ang nakuryente at nasawi rin makaraang isaksak nito sa isang electrical extension ang hawak na kutsara .
Samantala, nasagip naman ang isa pang lalake mula sa pagkakakuryente sa Cagayan De Oro City.
Sinasabing nagtatapal ng butas ng bubong ang biktima nang maipahid nito sa live wire ang gamit na paintbrush.
Sa ngayon nasa mabuti na itong kalagayan.