Isa na namang evacuee ang tinamaan ng ligaw na bala habang nagpapahinga sa itinalagang quarters para sa kanila sa ikalawang palapag ng isang gusali sa loob ng compound ng kapitolyo sa Marawi City.
Ipinabatid ng 55-taong gulang na si Sulaiman Mangorsi na kalalabas lamang niya ng banyo at tumabi sa higaan sa kaniyang misis nang makaramdam ng sakit sa kaliwang braso.
Bigla aniyang namanhid ang kanyang braso na nakitaan niya ng sugat.
Sinabi ni Mangorsi na kaagad siyang isinugod sa Amai Pakpak Medical Center kung saan siya inoperahan na matapos bumaon sa kalamnan ang bala ng caliber 56 na tumama sa kaniya.
By Judith Larino
Isa pang Marawi evacuee tinamaan ng ligaw na bala was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882