Patay ang isa pang menor-de-edad na mag-aaral matapos barilin sa Pikit, Cotabato.
Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang biktima na isang edad-15 anyos, na nagbabantay lamang sa tindahan nang pagbabarilin.
Agad namang nakatakas ang salarin na iniimbestigahan na ng mga otoridad.
Una rito, isang 13-anyos na mag-aaral ang binaril din sa lugar habang pauwi mula sa kaniyang eskwelahan habang sugatan ang kasama nito.
Agad namang inatasan ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr. si PNP Chief Rodolfo Azurin, na manguna sa imbestigasyon sa pamamaril katuwang sina National Security Adviser Eduardo Año at Defense Secretary Carlito Galvez Jr.
Hanggang ngayong araw suspendido ang klase sa Pikit, Cotabato.