Isang lalaking miyembro ng Abu Sayyaf ang patay habang tinutugis ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar sa Jolo, Sulu.
Aarestuhin sana ng mga pulis katuwang ang mga sundalo ang suspek na si Alex Habbibondin alyas ‘Amah Alex’ sa kanyang bahay sa Sitio Barrio Militar dahil sa kasong murder.
Gayunman, agad pinagbabaril ni Habbibondin ang mga otoridad na agad namang gumanti.
Ayon kay PNP-CIDG Dir. Chief Supt. Amador Corpus, narekober mula sa suspek ang caliber 357 magnum.
Napag-alaman din anya na kasama si Habbibondin sa mga bandidong nakipag-sagupaan sa militar sa Patikul noong Pebrero 2.