Lumutang sa MPD o Manila Police District ang isa pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na isinasangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.
Dakong alas-6:00 ng gabi kahapon ng magtungo sa MPD si Jason Robiños, Treasurer ng Aegis Juris para sumuko.
Matatandaang si Robiños ay kasama ni John Paul Solano na humarap sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Atio.
Kabilang din si Robiños sa lookout bulletin order na ipinalabas ng Department of Justice o DOJ.
Paliwanag naman ng MPD, nagtungo si Robiños sa kanilang himpilan upang linisin ang pangalan nito.
“Considering na isa po siya sa mga nasampahan ng kaso at meron nang resolution na inilabas, nag-appear lang po siya doon for the purpose na bigyang linaw ang kanyang participation.” Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo
(Ratsada Balita Interview)