Pumanaw na rin ang babaeng kapatid ni yumaong dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog na si Melodia “Apyat” Parojinog-Malingin.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan sa kanyang kauna-unahang press conference bilang hepe ng PNP.
Ayon kay Cascolan, nasawi si Malingin dahil sa cardiogenic shock habang ginagamot sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center sa Ozamis City, dalawang araw lamang matapos mamatay si Ardot.
Si Melodia, na kapwa akusado ni Ardot sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 at Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and ammunitions, ay nakadetene rin sa Ozamis City Police Station.
Kasama nitong nililitis at nakapiit ang asawang si Gaudencio Malingin na nakuhanan ng walong kilo ng shabu noong Disyembre ng 2017.
Samantala, sinabi ni Cascolan na hawak na ng pamilya ni Ardot ang labi nito na pinaniniwalaang isinailalim na rin sa cremation matapos masuri ng PNP forensic examiners. —ulat mula kay Jaymark Dagala