Isa na namang mataas na opisyal ng New People’s Army o NPA ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Spokesperson Major Ezra Balagtey, alas-3:00 ng hapon, kahapon, sa bisa ng arrest warrant para sa kasong murder, dinakip si Leonida Guao sa barangay Bading, Butuan City
Siya umano ang finance officer ng NPA na siyang humahawak ng pera na nakikikil ng grupo.
Nasa kustodiya ngayon ng PNP-CIDG sa Caraga si Guao.
Nagpapasalamat naman ang militar sa kooperasyon ng komunidad sa Butuan City na nakatulong sa pagkakaaresto ni Guao.
Nitong Miyerkules naaresto rin ng mga awtoridad sa Quezon City ang National Democratic Front (NDF) consultant na si Rafael Baylosis habang kahapon naaresto rin umano ang isa pang opisyal ng NPA na si Rommel Salinas sa Ozamiz City.
Una nang pinalaya pansamantala ang ilang lider ng kilusan upang makibahagi sa peace talks sa gobyerno pero dahil sa tuloy-tuloy na pag-atake ng mga rebelde ay tuluyan nang kinansela ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-uusap.
Umanoy finance officer ng NPA na si Leonida Guao, naaresto ng PNP at Army sa Butuan City, Feb 2 @dwiz882 : AFP pic.twitter.com/OxIeoxCwmS
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 3, 2018
—-