Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa pang residente ng Malabon City, na siyang naging dahilan kaya’t pumalo na sa 22 ang positive cases sa lungsod.
Sa twitter post ng Malabon City Government, kinilala ang pinakabagong COVID-19 patient na isang 26 anyos na dalaga at naninirahan sa barangay Hulong Duhat.
Sa ngayon naka-admit ang pasyente sa Tondo General Hospital.
Matatandaan na limang residente na ng Malabon ang binawian ng buhay dahil sa ng COVID-19, habang isang pasyente naman ang nakarekober.