Tuluyang ibinasura ng Korte Suprema ang isa pang inihaing petisyon na kumukuwestyon sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Labing limang (15) mahistrado ang bumoto sa pagbasura sa inihaing petisyon nila Senadora Leila de Lima, Atty. Alex Padilla, dating Senador Wigberto Tañada at ilang obispo ng Simbahang Katolika.
Partikular na kinukuwestyon ng mga petitioner ang hindi pagdaraos ng joint session ng Kongreso para talakayin ang nasabing deklarasyon batay umano sa isinasaad ng Saligang Batas.
Ngunit nanindigan ang mga mahistrado na walang pang-aabuso sa kapangyarihan sa panig ng Kongreso at wala ring sinasabi ang Saligang Batas na obligado silang magsagawa ng sesyon para pagtibayin iyon.
Sa panig naman nila Associate Justices Marvic Leonen at Benjamin Caguioa, moot and academic na ang mga nasabing petisyon dahil nagpasya na ang Kongreso sa pamamagitan ng joint session noong Sabado para palawigin ang Martial Law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taong ito.
By Jaymark Dagala
Isa pang petisyon vs. Mindanao Martial Law ibinasura ng SC was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882