Isinusulong na maging santo ang isang Pilipinong Hesuitang seminaryo na si Brother Richard Richie Fernando.
Ayon kay Father Antonio Moreno ng Society of Jesus, kwalipikadong maging biyato isang hakbang bago maging santo si Fernando dahil sa ginawa nitong pagliligtas sa buhay ng kanyang mga estudyanteng Cambodian.
Noong 1996 sinasabing niyakap ni Fernando ang mga bata na kanyang tinuturuan nang pasabugan ng granada ang kinaroroonan nilang paaralan.
Aniya, mula nang mamatay si Brother Fernando ay marami na ang nagpahayag ng debosyon sa kanya hindi lamang sa Pilipinas at Cambodia kundi sa buong mundo.
Kumpiyansa ang grupo na pasok ang buhay ni Fernando sa mga kuwalipikasyon para maging santo tulad ng martydom, virtuous life, holy reputation at ang bagong pamantayang inilabas ni Pope Francis na pagsalba ng buhay ng kapwa na naging mitsa ng kamatayan sa ngalan ng pagpapalaganap ng salita ng Diyos.
Sakaling tuluyang maging santo si Fernando ay siya ang ikatlong Pilipinong magiging santo kasama sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.
By Rianne Briones