Isa pang Pinay nurse sa London ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa datos ng National Health Service tatlong Pinoy nurse at dalawang Pinoy hospital porters na ang nasawi sa COVID-19 sa United Kingdom.
Ang ikatlong pinay na pumanaw sa COVID-19 ay nakilalang si Leilani Medel na nagta trabaho bilang agency nurse sa South Wales.
Ng asawa ng Pinay nurse na si Johnny Medel Jr. na isa ring healthcare worker ay nakaratay din sa COVID-19 habang ang kanilang 13 anyos na anak na tinamaan din ng virus ay naka recover na.
Una nang ini report ni Philippine Ambassador Antonio Lagdameo ang pagpanaw ng nurses na sina Leila Dayrit at Melujean Ballesteros at mga Pinoy hospital porters na sina Loscar King at Elbert Rico.