Nagpapagaling na sa isang pagamutan sa Turkey ang isa pang Pinay na kamakailan lang ay nailigtas matapos ang magnitude 7.8 na lindol.
Kinilala ng Embahada ng Pilipinas sa Turkey ang Pilipina na si Juliva Benlingan na unang napaulat na nawawala.
Dumalaw din ang embahada kay Benlingan upang tignan ang kondisyon nito at tulungang makalimot sa masalimuot na karanasan.
Sa ngayon, pagtitiyak ng embahada na patuloy itong nakatutok sa pangangailangan ng mga lumikas na Pilipino sa Turkey na apektado ng lindol.