Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy boxers na pasok sa Rio Olympics na gaganapin sa Agosto.
Ito ay makaraang umabanse sa finals si Charley Suarez ng Pilipinas nang patumbahin sa ikatlong round ng semifinals ang Chinese fighter na si Shan Jun sa AIBA Asian Qualifying Tournament.
Dahil dito, sigurado na ang spot ni Suarez sa Rio Olympics kasama ang Filipino light flyweight na si Rogen Ladon.
Makakalaban ni Suarez sa gold medal round ang boksingero mula sa Mongolia.
By Ralph Obina