Isa pang Pinoy na bihag ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang nailigtas ng militar sa Sulu.
Kinilala ang bihag na si Blas Jackosalim Ahamad na kasama ng dalawang babaeng pulis na dinukot ng Abu Sayyaf group sa Patikul noong Abril 29.
Ayon kay Joint Task Force Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, malaki ang naitulong sa kanilang rescue operations ng nakuhang nilang impormasyon mula sa naunang nakalayang bihag na si Faizal Ahidji.
Sa ngayon nanantiling hawak ng Abu Sayyaf ang dalawang babaeng pulis na sina PO3 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad kasama ang lima pang Pilipino at limang dayuhan na dinukot ng grupo.