Isa pang Pinoy sa Hong Kong ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Consul General Raly Tejada, nasa isang ospital na ngayon ang 29-taong gulang na Pinay.
Batay sa nakuhang impormasyon ng konsulado, nakarecover na sa kanyang lagnat ang Pilipina at nais nitong dalhin ng konsulada sa ospital ang kanyang mga personal na kagamitan.
Samantala, sinabi ni Tejada na posibleng makalabas na sa ospital ang unang Pilipino na nag positibo sa COVID-19 sa Hong Kong.