Isa na namang Pilipino sa ibayong dagat ang napositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 2,523 ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Tatlo ring mga kababayan natin ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi sa sakit dahilan upang pumalo na sa 294 ang bilang ng mga ito.
Samantala, nasa 879 na ang mga gumaling na Pinoy mula sa COVID-19 sa labas ng bansa.