Nakapagtala muli ng isa pang insidente ng pangha-harass sa mga Pilpino sa New York.
Ayon kay Elmer Cato, Philippine Consul General sa New York, isang 51- anyos na Pinay ang nabiktima sa isang subway station.
Ginulo ito ng isang palaboy, pinagsalitaan ng masasakit na salita at pinigilan pang makasakay ng tren sa 63rd Drive Subway Station sa Rego Park, Queens.
Ito na ang ika-42 kaso ng Hate Crimes sa mga Pilipino sa New York simula noong 2021.
Umapela naman ang Consul General sa mga Pilipino sa New York na agad i-ulat sa kanilang tanggapan sakaling magkaroon muli ng ganitong insidente.
Una rito, naglabas ng advisory ang tanggapan kung saan pinag-iingat ang mga kababayan natin sa New York dahil sa Hate Crimes Incidents laban sa mga Asians.