Pinasinayaan na ng DPWH o Department of Public Works and Highways ang Taguig BGC Ortigas Link Road Project ng pamahalaan kaninang umaga.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, oras na makumpleto na ang nasabing proyekto ay magiging labindalawang (12) minuto na lamang ang biyahe mula sa central business district ng Taguig, Pasig, Mandaluyong at Makati City.
Batay sa plano ng Ortigas Center Link Project, pagdudugtungin ng isang 4-lane bridge o tulay ang Lawton Avenue sa Makati City at Sta. Monica Bridge Street sa Pasig City.
Magkakaroon din ng viaduct na tatagos sa Lawton Avenue hanggang sa BGC.
Target na matapos ang proyekto sa 2020 na may pondong aabot sa P1.6-B.
- Krista De Dios | Story from Aya Yupangco