Inaprubahan na ni Manila mayor Joseph Estrada ang multi-bilyong pisong reclamation project sa bahagi ng Manila Bay na pagtatayuan ng isang commercial district doon.
Tatawagin itong Manila Water Front City kung saan, aabot sa tatlongdaan at labing walong (318) ektarya ang gagawing artipisyal na isla sa nasabing lugar.
Kabilang sa mga itatayo sa naturang artificial island ang ilang commercial at residential buildings, entertainment at hotel facilities, park, medical centers, government offices, paaralan at isang pier.
Ito na ang ika-apat na reclamation project na inaprubahan sa ilalim ng termino ni Estrada makaraang aprubahan din nito ang mahigit na 400 ektarang horizon Manila na nagkakahalaga ng 100 bilyong piso.
—-