Isa pang resoluyon na naglalayong palawigin pa ang validity ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Batay sa house joint resolution 28 ni Cebu City Representative Raul Del Mar, hiniling nito na ma-extend hanggang July 30, 2022 ang legislative franchise ng network.
Ayon kay Del Mar, kanyang inihain ang resolusyon matapos na mabatid na nagsumite rin ng kaparehong panukala si Senador Franklin Drilon.
Layon nitong mabigyan ng sapat na panahon ang kongreso para matalakay ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Sa kasalukuyan, meron nang 12 panukalang batas na humihiling sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa nabanggit na network ang nakabinbin pa sa house committee on legislative franchise.