Isa pang rocket ng China ang bumagsak sa Indian Ocean nitong Sabado.
Ayon kay Bill Nelson, Administrator ng NASA, isang long March 5-B Rocket ang bumagsak sa Indian Ocean dakong alas-12:45 ng hapon kahapon.
Noong July 24 pinalipad ang naturang rocket para magpadala sana ng laboratory module sa bagong Chinese Space Station na ginagawa ngayon sa Orbit.
Pero nagkaroon ito ng aberya dahilan kaya bumagsak sa karagatan.
Noong 2020, isa ring Chinese Long March 5B ang bumagsak sa Ivory Coast na sumira ng ilang gusali sa West Africa Nation.
Bagaman walang nasugatan sa nangyari, mahigpit na kinondena ng Aerospace Corporation at nasa ang pagbagsak.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang China sa nangyari na una nang sinabi na aayusin nila ang mga iniwang debris ng fallen rockets.