Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isa pang namataang low pressure area o LPA sa West Philippine Sea.
Namataan ang LPA sa layong walong daan limampung (850) kilometro sa Northern Luzon.
Samantala, napanatili naman ng bagyong Karding lakas nito habang tinatahak ang silangan, hilagang-silangan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,255 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa animnapu’t limang (65) kilometro kada oras na may pagbugsong aabot sa walumpung (80) kilometro kada oras.
Patuloy naman pinalalakas ng bagyong Karding at LPA ang habagat na nagdadala ng pagulan sa Central Luzon.
—-