Patuloy na lumalayo ng bansa si Bagyong Neneng na kumikilos patungong Southern China at wala nang epekto sa anumang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, may nabuong Low Pressure Area (LPA) sa Pacific Ocean na namataan sa layong 1,140 kilometers silangang bahagi ng Northern Luzon.
Wala namang epekto sa bansa ang naturang LPA pero mataas ang tiyansa nito na maging isang bagyo.
Asahan naman mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, at Palawan.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao pero asahan din na makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang buong bahagi ng Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Samantala, magkakaroon din ng pag-ulan sa lalawigan ng Palawan, at Occidental Mindoro, kaya’t paalala sa ating mga kababayan na panatilihing maging alerto sa biglaang pagbuhos ng ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.