Tumanggi si Public Order and Dangerous Drugs Committee Chairman Panfilo Lacson na magkaroon ng isa pang pagdinig sa senado hinggil sa DDS o Davao Death Squad.
Wala na aniyang dahilan para ipagpatuloy ang pagdinig dahil napiga nang halos lahat ng impormasyon na maaaring makuha kay retired SPO3 Arthur Lascañas.
Samantala, sinabi ni Lacson na wala siyang balak na imungkahing kasuhan ng perjury si Lascañas kahit bumaligtad ang self-confessed DDS leader sa nauna niyang testimonya.
Sa halip, maghahain na lang sina Lacson ng panukalang batas para itaas ang parusa sa mga mapatutunayang nagsinungaling sa imbestigasyon ng Senado.
By: Avee Devierte / Cely Bueno