Sumuko sa militar at pulisya ang isa pang suspect sa naganap na pagsabog sa Davao City
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Benjamin Hao, alas 5:30 ng madaling araw kahapon nang sumuko sa mga awtoridad ang suspect na kinilalang si Jerico Javier de Roma, alyas Kokoy, 25 anyos, residente ng Mandanas Compound, Cotabato City.
Si De Roma ay miyembro ng Dawlah Islamiyah Fi Lanao Cotabato chapter o Maute Group.
Nagsilbi siyang drayber ng grupong nagsagawa ng pagsabog sa Davao City noong Sept 2 na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng 70 iba pa.
Ayon sa militar, na pressure si De Roma dahil sa matinding operasyon ng mga otoridad para maaresto sya kaya nagdesisyon itong sumuko na lamang
Sa ngayon nasa kustodiya na ng CIDG ARMM ang suspek.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal