Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na kailangan ang information campaign para sa mga pilipinong nais magtrabaho abroad upang maiwasang marecruit ng mga scammer.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, tinitingnan din ng ahesya ang insidente ng human trafficking na kinasasangkutan ng mga pinoy sa Cambodia at Laos.
Aniya, dapat magkasa ng kampanya ukol dito upang hindi na makapang-biktima pa ang mga recruiter.
Nabatid na nasa 47 human trafficking victims ang humingi ng tulong sa kagawaran para ma-repatriate.