Isa pang Interior and Local Government undersecretary ang inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DAR o Department of Agrarian Reform.
Ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang paglipat ni DILG Usec. Emily Padilla sa DAR kasunod ng pagkakatalaga kay dating DILG Undersecretary John Castriciones bilang DAR officer in charge.
Si Padilla ang huli sa tatlong DILG undersecretaries kasama nina Castriciones at Usec Jesus Hinlo na nag-ulat ng umano’y anomalya sa pagbili ng mga firetrucks na dahilan ng pagkakatanggal ni dating DILG Sec. Ismael Sueno sa pwesto.
Matatandaang una nang inilipat si Usec. Hinlo sa Land Bank of the Philippines.
Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Duterte ang kanyang pamangkin na si Maria Fema Duterte bilang isa sa board of trustees ng Nayong Pilipino Foundation.
Habang inilagay naman si dating Army Capt. Dante Langkit, dating miyembro ng Magdalo, sa Civil Aviation Authority of the Philippines kasama ng kanyang kabarong si Milo Maestrecampo na unang naitalaga bilang assistant director ng kaparehong ahensiya.