Isa pang US warship ang naglayag malapit sa pinag-aagawang mga isla sa South China Sea.
Ayon sa US Defense Department, naglayag ang guided-missile destroyer na USS Stethem, malapit sa Triton Island na bahagi ng Paracel Islands.
Ito ang ikalawang “freedom-of-navigation operation,” o “FONOP” na isinagawa sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Layunin nito na ipakita na hindi kinikilala ng Amerika ang territorial claims sa mga pinag-aagawang isla bagkus ay nais lamang iparating ang mensahe na malaya ang sinumang bansa na maglayag sa nabanggit na karagatan nang walang pangamba.
By Drew Nacino
Photo: US Navy