Naglabas ng warrant of arrest ang isa pang korte sa Taguig City laban sa TV Host na si Fernand a.k.a. Vhong Navarro.
Ito ay kinumpirma ni Taguig Police Chief Col. Robert Baesa nang matanggap nila ang kopya ng warrant of arrest laban kay Navarro.
Walang inirekomendang piyansa ang nasabing warrant kaugnay sa kasong panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo.
Sa kasalukuyan, nahaharap na sa dalawang kaso ng panggagahasa si Navarro sa Taguig Regional Trial Court (RTC) at Acts of Lasciviousness na parehong may kaugnayan sa mga reklamong inihain ni Cornejo. - sa panulat ni Hannah Oledan