Asahan na ang mas malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon habang palabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Maring at Lannie.
Ayon sa PAGASA, bagaman inalis na ang mga storm signal dulot ng bagyong Maring, hindi pa rin ligtas sa mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mga lalawigan ng Palawan, Oriental Mindoro, Zambales, Bataan at Batangas.
Posibleng bukas pa gumanda ang lagay ng panahon sa mga nasabing lugar.
Gayunman, isang panibagong sama ng panahon sa silangan ng bansa o sa Pacific Ocean ang maaaring maging Low Pressure Area o bagyo ngayong linggo.
Nasa boundary na ng West Philippine Sea ang bagyong Maring na isa na lamang tropical storm na may international name na Doksuri at tinutumbok ang Hainan Island, China.
Samantala, tinatahak naman ng bagyong Lannie na may international name na Lannie ang Taiwan, Zhejiang at Fujian, China maging ang Okinawa Islands sa Japan.
SMW:RPE