Isa ang patay habang sugatan ang dalawang iba pa sa serye ng rocket strike sa Afghanistan.
Ayon kay interior ministry spokesman Tariq Arian, sampung rockets ang tumama malapit sa international airport sa Kabul.
Sinasabing ang mga bomba ay pinakawalan mula sa isang sasakyan kung saan bukod sa mga nasawi at nasugatan ay napinsala rin ang isang eroplano.
Wala pang umakong grupo sa naturang pag-atake.