Patay ang isang senior citizen at 30 iba pang pasahero ang sugatan matapos tumagilid ang isang trak sa matarik na daan sa bayan ng Anilao, Iloilo.
Kinilala ang nasawi na si Helen Parcon, 61 taong gulang, habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Anilao Police Station, galing umano ang trak sa libing at papunta sa Barangay Balabag sa Anilao nang mangyari ang aksidente sa Barangay Mostro.
Sinasabing nawalan ng preno ang trak dahilan upang ibangga ng drayber sa gilid ng bundok ang sasakyan kaya’t tumagilid ito.
Kasalukuyang nakapiit ang truck driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang aksidente.