Isang lalaki ang patay habang apat na iba pa ang sugatan sa isang aksidente sa bayan ng San Juan, Batangas.
Kinilala ng Batangas Provincial Police Office ang nasawi na si Antonio Carredo at mga sugatang sina Biador Evangelista Jr, Dolores Carredo, Editha Evangelista at Judith Ann Evangelista.
Lulan si Carredo at kanyang pamilya ng isang tricycle nang mabangga ng sports utility vehicle na minamaneho ni King Philip Limbo sa Barangay Nagsaulay.
Agad namang naaresto ng pulisya ang driver ng SUV habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.