Dalawa (2) sa na ang patay habang 34 ang sugatan sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Dakong alas-8:30 kagabi nang yanigin ng pagsabog ang barangay Kalawag sa gitna ng pagdiriwang ng ika-pitong Humangya Festival.
Ayon kay Senior Superintendent Noel Kinazo, Provincial Director ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, inilagay ang IED sa motorsiklo sa harap ng isang ukay-ukay store.
Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon at inaalam na kung sino o anong grupo ang nasa likod ng pagpapasabog at motibo nito.
—-