Isa patay habang dalawang iba pa ang nawawala sa pananalas ng bagyong Auring sa Caraga Region.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) aabot sa 31,884 pamilya mula sa Caraga, Davao, Northern Mindanao at Bicol Regions ang naapektuhan ng bagyo.
Umabot naman sa 18.996 pamilya ang inilikas.
60 bahay ang tuluyang nasira dahil sa bagyo habang 180 na bahay ang bahagyang nasira.