Patay ang isang menor de edad habang nailigtas naman ang 45 indibidwal sa lumubog na bangka sa Lebanon.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng naturang bangka ang nasa 60 pasahero na nais lumikas patungo sa ibang mga bansa dahil sa krisis sa pananalapi.
Ayon sa UN Refugee Agency, sa 1,570 na mga nais lumikas, 186 rito ay Lebanese na nais maghanap ng panibagong trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng sasakyang pandagat.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad upang hanapin ang iba pang indibidwal na nawawala matapos lumubog ang naturang bangka.