Nasawi ang isang 14 anyos na babae, habang sugatan naman ang isang 13 anyos na lalaki matapos na masira ang sinasakyang ride sa isang amusement park sa Denmark.
Ayon sa pulisya, kumalas sa riles ang likurang bahagi ng roller coaster na sinasakyan ng mga biktima.
Sinabi naman ng direktor ng naturang theme park na si Henrik Olsen, na bunsod nito ay agad na pinauwi ang lahat ng mga namamasyal sa park at pansamantala rin muna itong isinara.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.