Isa ang patay habang isa ang sugatan matapos bulabugin ng pagsabog ang Brgy. Romongaob, bayan ng South Upi, lalawigan ng Maguindanao.
Batay sa ulat ng Maguindanao Provincial Police Office, nangyari ang pagsabog dakong ala 6:00 kaninang umaga kung saan, nagmula iyon sa isang improvised explosive device (IED).
Nabatid na 2 lalaki ang magka-angkas umano sa isang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng national highway nang mangyari ang pagsabog.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isa habang sugatan ang angkas nito na kapwa hindi pa pinapangalanan ng mga awtoridad.
Inaalam na kung sino ang nag-iwan ng IED sa lugar bagama’t tinitingnan pa ang posibilidad na kagagawan iyon ng mga terrorista sa lugar.