Dead on the spot ang isang lalaki, habang isa ang sugatan, sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Julugan VIII, Tanza, Cavite.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naghihintay ng masasakyan sa terminal ng tricycle ang biktimang kinilala bilang alyas “Rjay” nang biglang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo.
Dito, pinagbabaril ang biktima, at hindi kalaunan, binawian na ng buhay.
Sugatan naman ang isa pang biktimang kinilala bilang alyas “Shinelou.”
Ayon sa ulat, nagpapahinga si Shinelou sa isang kubong hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen nang matamaan ito ng ligaw na bala.
Kasalukuyan itong inoobserbahan sa pagamutan.